Ilang korte sa bansa, pisikal na sarado pa rin dahil sa COVID-19

Inanunsiyo ng Korte Suprema ang pisikal na pagsasara ng ilang hukuman sa bansa bunsod pa rin ng kaso ng COVID-19.

Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, naka-lockdown hanggang May 25 ang Branch 12 at 16 ng Davao City Regional Trial Court.

Hanggang May 28 naman ang physical closure ng Naga City, Cebu RTC Branch 76.

Mananatiling sarado hanggang June 1 ang Roxas, Oriental Mindoro Municipal Trial Court Branch.

Maaaring ma-contact ang mga nasabing korte sa kanilang official hotlines at email addresses.

Makikita ang kumpletong quarantine status ng mga hukuman sa bansa sa website ng Korte Suprema.

Moira Encina

Please follow and like us: