Recovery cases mula sa Covid-19 sa GMA, Cavite nasa higit 1,500 na

Nakapagtala ng panibagong 43 mga gumaling sa Covid-19 ang General Mariano Alvarez sa Cavite.

Sa datos ng Municipal Health office, pumalo na sa kabuuang 1,535 ang mga gumaling sa nasabing bayan.

Pero paalala ng Health authorities, huwag magpaka-kampante at sumunod pa rin sa mga health protocol.

Samantala, nakapagtala rin ng bagong 87 kaso ng Covid-19 kaya pumalo na sa 234 ang aktibong kaso sa nasabing munisipalidad.

Mayroon namang 42 na mga namatay.

Please follow and like us: