Ilang lalawigan sa Mindanao, maagang nakaranas ng pag-ulan dahil sa ITCZ

Maagang nakaranas ng malakas na pag-ulan dulot ng thunderstorms ang ilang lalawigan sa Mindanao.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng Pag-Asa, alas 5:15 ng umaga, nakaranas ng heavy rains na mayroong pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin ang mga bayan ng Governor Generoso at Mati sa Davao Oriental; mga bayan ng Malita at Don Marcelino sa Davao Occidental; at ang mga bayan ng General Santos City, Malungon, Malapatan, Glan, at Kiamba sa Sarangani.

Pinayuhan ng Pag-Asa ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na maging handa sa posibleng pagkakaroon ng flashfloods at landslides dahil sa malakas na pag-ulan na nararanasan.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *