Isa hanggang 2 bagyo posibleng pumasok sa bansa ngayong Mayo

Nasa isa hanggang dalawang bagyo ang posibleng pumasok sa bansa ngayong Mayo.

Sinabi ni Analiza Solis, OIC ng Climate Monitoring and Prediction section ng Pag-asa, batay sa datos ng weather bureau , kapag Mayo, isa hanggang dalawang bagyo ang naitatala na pumapasok sa Philippine Area of Responsibility.

At kahit mananatili aniyang mainit ang panahon sa bansa, mas mapapadalas naman ang mararanasang mga pag-ulan.

Aniya, partikular na makararanas ng mas madalas na pag-ulan ang western section ng Luzon.

Ayon pa sa Pag-asa, maaring hindi na makaranas ng La Niña sa bansa ngayong taon.

 

===============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *