Ilang lugar sa Las Piñas city at Cavite na sineserbisyuhan ng Maynilad, may water interruption mula Nov. 1 – 21

Magsasagawa ang Maynilad ng facility upgrade para sa enhanced earthquake resiliency ng Pagcor Pumping Station nito sa Brgy. Tambo, Parañaque City.

Ayon sa Maynilad, ang proyektong ito ay alinsunod sa layunin ng kumpanya na lalong mapabuti ang serbisyo patubig sa West Zone.

Dahil dito, pansamantalang makakaranas ng pagkahina ng pressure o kawalan ng tubig sa loob ng ilang oras araw-araw ang ilang customer sa Las Piñas at Cavite Province.

Ito ay mula Nobyembre 1, 2020 (Linggo) hanggang Nobyembre 21, 2020 (Sabado).

Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig sa mga oras na available ang supply.

Tiniyak naman ng Maynilad na mayroong naka-standby na mga water tankers para mag-deliver ng tubig kung kinakailangan.

Please follow and like us: