Mga pulis na nakakarekober sa Covid-19, naragdagan pa

photo credit: PNP FB official page

Patuloy na nadaragdagan ang mga nakakarekober sa Covid-19 sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP), nasa 21 pang pulis ang nakarekober sa karamdaman.

Dahil dito, sumampa na sa 6,532 ang recovered cases sa PNP.

Samantala, naragdagan pa ng 15 ang Covid-19 cases sa PNP kaya nasa kabuuang 7,097 na ang kaso.

Wala naman naitatalang bagong mga nasawi sa Covid-19 kaya nananatili sa 22 ang death toll.

Tiniyak naman ni PNP Chief General Camilo Cascolan na makatatanggap ng hazard pay ang lahat ng mga police personnel na itinalaga para magbantay sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Please follow and like us: