Ilang mga pasahero at sasakyang-pandagat stranded parin sa ilang pantalan sa bansa

Patuloy parin ang ginagawang monitoring ng Philippine Coast Guard sa mga pantalan sa bansa kasunod ng posibleng epekto ng Bagyong Quinta.

Ayon sa PCG as of 8:00 am, sa National Capital Region bagamat light to Moderate na ang kondisyon ng dagat ay may 297 paring stranded na pasahero sa North Port Passenger Terminal.

Sa Palawan naman ay light to Moderate na rin ang kondisyon ng dagat, pero may 44 pasagero, drivers, at helpers maging 5 vessels at 3 motorbancas ang stranded sa PPC Port, El Nido Pier, Liminagcong Port Coron Port, Balabac Pier, Bancalaan Wharf At Kalayaan Wharf .

Mayroon namang 6 vessels at 17 motorbancas ang nag shelter bilang pag iingat.

Tiniyak naman ng PCG ang 24/7 monitoring ng kanilang Command Center.

Madz Moratillo

Please follow and like us: