Tinaguriang Ninja cop na si Lt. Col. Rodney Baloyo,pinalaya na ng Senado

Pinalaya na ng Senado ang tinaguriang Ninja cop na si Lt. Col. Rodney Baloyo.

Si baloyo ay ipina-contempt at ipinakulong ng Senate Blue Ribbon Committee noong nakaraang taon sa New Bilibid Prison o NBP.

Ito’y dahil sa pagtangging magsalita sa ginawang pagdinig sa anti drug operations noong 2013 sa pampanga kung saan ni-recyle umano ang mga nakumpiskang shabu.

Ayon kay Senador Richard Gordon na Chairman ng komite, may pahintulot ng kaniyang mga kapwa senador ang pagpapalaya kay baloyo sa NBP dahil sa Humanitarian reason.

Nakiusap raw ang pamilya ni baloyo dahil sa ilang medical conditions nito at bantang mahawa ng COVID-19 sa NBP.

Si baloyo ay inilipat sa detention facility sa pampanga kung saan sya may kinakarap na non bailable offense.

Meanne corvera

Please follow and like us: