Ilang mga personalidad, nakaboto na sa Xavier school, San Juan city

Nakaboto na ang ilang mga personalidad sa Xavier school, Greenhills, San Juan city.

Pasado alas-6:00 ng umaga, bumoto ang aktres at ina ni Senador Grace Poe na si Susan Roces at pagsapit ng alas-8:00 ay nakitang bumoto si Senador JV Ejercito kasama ang kaniyang asawa.

Ayon kay Ejercito, positibo siya sa halalan ngayong araw dahil maganda ang itinakbo ng kanyang 90 days campaign.

Umaasa ang Senador na magiging maganda rin ang resulta ng halalan para sa kaniya matapos siyang umangat sa mga survey.

Samantala, nakita ring bumoto si Mayoralty candidate Francis Zamora kasama ang kaniyang ama na si Representative Ronaldo Zamora.

Ayon kay Zamora, may mga namomonitor silang flying voters pero hindi aniya kasing-talamak gaya ng mga nakalipas na 2016 elections.

Matatandaan noong 2016, kumandidato si Francis Zamora laban skay incumbent mayor Guia Gomez pero natalo si Zamora matapos lumamang si Gomez na halos isanlibong boto.

Naghain si Zamora ng reklamo laban kay Gomez dahil sa mga namonitor nilang vote buying matapos magpakain umano ng lugaw noong nakaraang eleksyon ang kaniyang kalaban sa pulitika na may kasamang 1,000 piso.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *