Ilog sa Naval, Biliran umapaw dahil sa mga pag ulang dala ng Bagyong Ulysses

Umapaw ang ilog sa bayan ng Naval, sa Biliran dahil sa walang tigil na pag ulan sa lalawigan dahil epekto ng bagyong Ulysses sa Visayas region. 


Nagdulot ito ng pagka-antala sa biyahe ng mga morista sa lugar dahil sa umapaw na tubig galing sa ilog.


Isinara muna sa mga motorista ang larazzabal bridge at maging ang detour bridge para sa kaligtasan na rin ng publiko maging ng mga motorista. 


Gumagawa na rin ng hakbang ang Biliran provincial Govt katuwang ang DPWH para magsagawa ng clearing operation sa mga apektadong kalsada.

Ulat ni Mar Cadorna

Please follow and like us: