Indian President Ram Nath Kovind, nagbigay-pugay sa monumento ni Dr. Jose Rizal sa Luneta

Pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno at Indian President Ram Nath Kovind ang pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Dr. Jose Rizal sa Luneta.

Kaugnay nito, pansamantala namang isinara sa mga motorista ang magkabilang linya ng Roxas Boulevard partikular ang sa tapat ng monumento ni Rizal.

Pagdating sa Rizal Park, nilapitan agad  ni Moreno si President Kovind at sinamahan ito sa harap ng monumento ni Dr. Jose Rizal.

Ang wreath laying activity sa monumento ng ating pambansang bayani ay isa sa mga tradisyon ng bumibisitang head of state sa bansa.

Matapos ang aktibidad sa Luneta tumulak narin agad si Kovind patungong Malakanyang para makipagpulong kay PangulongRodrigo Duterte.

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *