Injury sa katawan puwedeng maidulot ng labis na paggamit ng gadgets – ayon sa mga eksperto

Lifestyle na ng maraming tao ang paggamit ng gadgets  araw araw.

Para sa iba ……hindi  buo ang araw pag wala ito .

Pinaka karaniwan na ginagamit ang cellphones. 

Isa sa tatlong pinakamadalas na maranasan  ng mga taong  gumagamit  ng cellphone ay trigger finger.

Ilan sa  sintomas ng trigger finger ay  pamamanhid ng daliri,  pagtubo ng maliliit na bukol sa palad,  pagsakit ng mga daliri pag hinahawakan  at hindi maigalaw ng maayos ang mga daliri.

Kapag laging nakatungo dahil sa paggamit ng gadgets, mararanasan ang pananakit ng likod  at pangangapal ng mga buto sa likuran ng leeg.

Bukod sa trigger finger, ang palagiang paggamit ng gadgets ay maaari ring  magresulta  ng tinatawag na carpal tunnel syndrome na ang ilan sa sintomas ay pamamanhid at pananakit ng mga daliri, at pakiramdam na parang kinukuryente ang mga daliri.

Payo ng mga eksperto,  kapag naranasan ang  mga nabanggit na sintomas, kumunsulta agad sa isang espesyalista upang mapalapatan ng angkop na lunas.

At mahalagang paalala  na limitahan lang ang paggamit ng gadgets ng dalawang oras kada araw.

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *