Isa pang witness na magdadawit sa Oposisyon at sa ilang mga pari sa paggawa ng Bikoy videos, ilalabas sa susunod na linggo

May ilalabas pang isang witness si Atty. Larry Gadon laban sa mga respondents ng Bikoy videos sa susunod na linggo.

Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ni Gadon, legal counsel ni Peter Advincula, ang witness na ito ang magpapatunay sa mga responsable sa Bikoy videos kabilang ang ilang mga paring Katoliko.

Ang mga paring ito aniya ay mula sa Ateneo at sila umano ang nagtuturo kay Advincula para magsinungaling at galitin ang mga tao para mag-aklas laban sa gobyerno.

Tinukoy ni Gadon na ang paring si Albert Alejo na may mataas na katungkulan sa Ateneo.

Bukod sa mga pari, ang oposisyon partikular si Senador Antonio Trillanes at Vice-President Leni Robredo ang itinuro ni Advincula na sangkot sa Bikoy videos.

Eversince naman yung mga pari sa Ateneo, most of them ay mga bulag sa katotohanan na pagka-anything against the President at anything against Administration or sa magagaling na Pangulo ng bansa ay against sila”.

Atty. Larry Gadon

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *