Isang milyong trabaho, inaasahang malilikha ngayong 2019 sa ilalim ng Build, Build, Build program ng gobyerno – DOLE

Umaasa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na makakalikha sila ng 800,000 hanggang isang milyong trabaho ngayong 2019.

Ayon kay Secretary Silvestre Bello III, ngayong taon na ipu-full blast ang Build, Build, Build infrastructure program ng pamahalaan.

Kaya makakaasa ang publiko na makakalikha ng mas marami pang trabaho partikular sa Manufacturing at Construction industry.

Nauna nang pinabulaanan ni Bello ang survey ng Ibon foundation na 81,000 jobs lamang nalikha ng pamahalaan noong 2018.

Sa katunayan, aabot sa 800,000 trabaho ang nalikha noong nakalipas na taon.

 

===================

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *