JBC, binuksan ang aplikasyon para sa mga bakanteng puwesto sa Court of Appeals at mga Korte sa NCR, Region 6 at Region 8

Binuksan na ng Judicial and Bar Council o JBC ang aplikasyon at nominasyon para sa mga bakanteng pwesto sa Court of Appeals at mga hukuman sa NCR, Region 6 at Region 8.

Sa apat na pahinang abiso na ipinalabas ni Supreme Court Clerk of Court at JBC ex-officio Secretary Edgar Aricheta, may isang bakanteng pwesto para sa pagka-mahistrado ng Court of Appeals dahil sa pagkakatalaga kay dating CA Associate Justice Socorro Inting bilang Comelec Commissioner.

Umaabot naman sa apatnaput-dalawa ang bakanteng pwesto sa pagka-hukom sa ibat-ibang korte sa NCR.

Itinakda ng JBC ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon at mga requirement sa July 10 ng alas 4:30 ng hapon.

Samantala, inanunsyo rin ng JBC ang muling pagbubukas ng aplikasyon sa 10 Judgeship position sa mga Korte sa Regions 6 at 8.

Mayroon hanggang June 25 ang mga interesadong aplikante para maghain ng aplikasyon.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *