JBC binuksan na ang aplikasyon para isa na namang mababakanteng pwesto ng Associate Justice ng Korte Suprema

Binuksan na ng Judicial and  Bar  Council ang pagtanggap ng aplikasyon at nominasyon para sa mababakanteng pwesto sa Korte Suprema ni Associate Justice Noel Tijam.

Si Tijam ay magreretiro sa Enero 5 ng susunod na taon.

Sa abiso ni Supreme Court Clerk of Court at JBC ex officio Secretary Atty Edgar Aricheta, sinabi  na mayroon hanggang November 5 ang mga aplikante para magsumite ng mga requirement.

Mahigpit ding pinaalala sa mga kasalukuyang nasa gobyerno na gustong mag-apply na kailangang magsumite ng kopya ng kanilang SALN sa nakalipas na 10 taon.

Si Tijam ang ikalawang appointee ni Pangulong Duterte bilang Associate Justice ng Korte Suprema.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *