Job fair isinagawa sa Ormoc City, Leyte

Maraming mga Ormocanon ang pumunta sa Ormoc City superdome sa isinagawang job fair ngayong araw na ito bilang selebrasyon ng labor day. 

Pormal na sinimulan ang nasabing job fair sa pamamagitan ng maikling programa at ribbon cutting na pinangunahan ni Mayor Richard Gomez kasama ang DOLE o Department of Labor and Employment.

Ayon kay Mayor Richard Gomez, 190 (isang daan at siyam na po) ang naipasok kaagad  sa trabaho noong 2018 sa pamamagitan ng kanilang programa noong labor day,

Inaasahan naman ngayon ng alkalde na mas marami ang makakapasok kaagad sa trabaho lalo pa nga at mayroon ng mga nakapasok na mga lokal na kompya na umabot na ng 51(limamput isa) at  10(sampu) naman na  overseas.

Laking tuwa naman ng mga ormocanon na mayroong ganitong mga programa ang pamahalaan para sa kanilang kapakanan.

Ulat ni Kimberly Urboda/Jo Unajan

Pinangunahan ni Mayor Richard Gomez ang job fair na idinaos sa Ormoc City superdome

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *