Pagpapalabas ng video na nag-uugnay sa Pamilya Duterte sa iligal na droga, arestado na ng NBI



Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na naaresto na ng NBI ang sinasabing nasa likod ng nagpakalat ng video sa Youtube na nagdadawit sa pamilya ni  Pangulong Duterte sa kalakalan ng iligal na droga.

Ayon kay Guevarra, ang NBI Cybercrime Division ang umaresto sa taong nasa likod pagpapalabas ng alyas Bikoy videos.

Ang pag-aresto ay ginawa anya ng NBI matapos madiskubre ng mga tauhan nito ang mga ebidensya na nag-uugnay sa naarestong personalidad at sa video.

Sinabi ng kalihim na nagugnayan ang DOJ Cybercime Office  at NBI para imbestigahan ang source ng nasabing kontrobersyal na video.



Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *