Judicial and Bar Council pinalawig hanggang sa September 25 ang deadline ng pagsusumite ng mga requirements ng mga aplikante para sa mga bakanteng posisyon

Extended ang deadline ng pagsusumite ng mga requirements ng mga aplikante para sa mga nabakanteng pwesto sa Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, at Legal Education Board.

Sa abiso ng JBC na pirmado ni Clerk of Court at JBC Ex Officio Secretary Edgar Aricheta, sinabi na mayroon hanggang September 25 ang mga aplikante para isumite ang kanilang application documents.

Pinalawig ng JBC ang deadline matapos itong hilingin ng mga aplikante dahil sa pagsasailalim sa MECQ sa NCR at sa iba pang lugar noong August 4 hanggang 18.

Nahirapan ang mga aplikante na makakuha ng ilang kinakailangang dokumento dahil sa MECQ.

Inabisuhan naman ang mga aplikante na i-access ang Online Application Scheduler sa JBC website bago ang August 25  para magparehistro at piliin ang petsa kung kailan nila isusumite ang mga requirements.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: