Justice Sec. Menardo Guevarra, hindi pabor na sumama sa anti-drug operations si VP Leni Robredo


Wala pang partikular na papel na gagampanan si Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter- Agency Committee on Anti- Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, bagamat inaasahang kasama si Robredo sa mga pulong ng bawat cluster ng ICAD ay hindi pa napag-uusapan ang kanyang partikular na gampanin.

Ppero anuman anya ito ay kinakailangan konsultahin ng Bise-Presidente ang mga miyembro ng komite.

Pinayuhan naman ni Guevarra si Robredo na huwag nang sumama sa mga Anti-Drugs operations.

Sinabi ni Guevarra na mayroon siyang reserbasyon sa planong pagsama ni Robredo sa mga drug operations dahil sa panganib na idudulot nito sa Bise at sa mga kasamahan nito.

Pabor naman si Guevarra sa panukala ng VP na gumamit ng body cameras sa mga anti-drug operations dahil wala namang itinatago ang mga otoridad.

Ang DOJ ay miyembro ng ICAD kung saan pinamumunuan nito ang Justice cluster ng ICAD.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *