Justice Secretary Menardo Guevarra, nagpaabot ng pagbati sa ika-105 anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo

Nagpaabot ng pagbati si Justice Secretary Menardo sa ika-105 anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo.

Ayon kay Guevarra, mula pa noong una ay naging matibay na haligi ang Iglesia Ni Cristo ng pamayanang Pilipino.

Sinabi ni Guevarra na naging tahimik na katuwang at tagapagtaguyod ng mga programang pangkabuhayan at panglipunan ng gobyerno ang INC mula noon hanggang ngayon.

Bukod pa anya rito ang pagtuturo sa mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ng kaalamang espiritwal at mabuting pakikipag- kapwa tao.

“Malugod kong binabati ang pamunuan at mga kasapi ng Iglesia ni Cristo sa inyong pagdiriwang ng ika-105 anibersaryo ng INC”.

Mula’t sapul ay naging matibay na haligi ng pamayanang Pilipino ang INC. Bukod sa pagtuturo sa kanyang mga kasapi ng kaalamang ispirituwal, ng pagtulong at mabuting pakikitungo sa kapuwa-tao, ang INC ay naging tahimik na katuwang at tagapagtaguyod ng mga programang pangkabuhayan at panglipunan ng pamahalaan, mula noon hanggang ngayon”.

Muli, ang aking taos-pusong pagbati sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo! Mabuhay po kayong lahat!”

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *