Kampanya laban sa iligal sugal at droga, mas pinalalakas ng bagong alkalde ng Maynila

Aabot sa 75 piraso ng video karera machines at fruit games ang nakumpiska sa magdamag na operasyon ng Manila Police District (MPD) sa lungsod.

Kasama si MPD Chief Brig. Gen. Vic Danao ay pinangunahan ni Manila city Mayor Isko Moreno ang pagsira sa mother board ng mga makina gamit ang mga maso.

Ayon kay Moreno, dapat ay magsilbi itong babala sa lahat na hindi nila kinukunsinti sa lungsod ng maynila ang mga iligal na sugal na nagagamit ding mga lugar para sa bentahan ng iligal na droga.

Karaniwan kasi aniya sa mga nagsusugal lalo sa gabi ay mga gumagamit ng iligal na droga.

Bahagi aniya ito ng kanilang kampanya kontra iligal na droga na asahang mas lalo pa nilang paiigtingin sa mga darating na araw.

Kasabay nito, nagbabala si Moreno sa mga pulis na protektor ng mga iligal na sugal na tumigil na dahil ang susunod nilang gagawin ay imbestigahan ang mga pulis na sangkot o nasa likod ng mga ito.

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *