Kaso ng Mental Health problems sa bansa, tumataas

Ginugunita ngayon ang pagsapit ng National Mental Health week na magtatapos sa Oktubre 12.

Ito ay alinsunod sa Presidential Proclamation No.  452,  na nilagdaan ni dating  Pangulong  Fidel V. Ramos noong  1994. 

Kaalinsabay din ito  sa pagdiriwang ng  World Mental Health day sa Oktubre 10.

Sa datos ng Department of Health (DOH), may 3.3 milyong mga Filipino ang dumaranas ng depressive disorders.

Sa datos naman ng World Health Organization o WHO,  isa sa apat na tao sa buong daigdig ay  nakaranas ng Mental o Neurological disorders minsan sa kanilang buhay.

Ayon  sa WHO, kabilang sa mga mental health problems na nararanasan ng isang indibidwal ay Depression, Bipolar Affective Disorder, Schizophrenia, Psychosis, Dementia, Developmental Disorders na dito ay  kabilang ang Autism.

 Sa mga pag aaral ng WHO, may  significant impact sa  kalusugan at  major social, human rights at  economic consequences ang mental health problems sa lahat ng bansa sa buong mundo.

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *