Katherine de Castro, mananatili pa rin sa DOT- Sec. Berna Puyat

    photo grabbed from Kat de Castro’s FB acct.

Itinanggi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo- Puyat na nasa floating status ngayon ang ilang Undersecretaries ng Department of Tourism o DOT kabilang na si Katherine de Castro.

Si De Castro ay kabilang sa 10 Undersecretaries at Assistant Secretary na inaasahang babakantehin ang kanilang pwesto kahapon matapos utusan ni puyat na magsumite ng kanilang courtesy resignation dahil sa isyu ng korapsyon.

Ayon kay  Puyat na nagkausap na sila ni De Castro at itinanggi na nito ang mga alegasyon na nakuha ng kaniyang kumpanya ang ilang kontrata sa DOT.

Ipauubaya niya na raw kay De Castro ang desisyon kung mamamalagi sa DOT.

Gayunman nilinaw ng kalihim na nirerebisa pa niya ang lahat ng proyekto at kontrata na pinasok ng mga USEC at ASEC sa DOT kasama na ang kanilang biyahe sa abroad.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *