Kiefer Ravena, inasahan na ang matinding laro ng kapatid na si Thirdy sa UAAP finals

Inasahan na ni Kiefer Ravena na aarangkada ang kaniyang kapatid na si Thirdy sa Game 2 finals ng UAAP Season 81 men’s basketball finals.

Isa kasi si Thirdy sa naging susi sa pagkuha ng Ateneo de Manila Blue Eagles ng back-to-back champion ng UAAP 81 ng talunin nila ang University of the Philippines Fighting maroons , 99-81.

Nagtala ito ng 38 points, anim na rebounds at anim na assists.

Sinabi ni Kiefer na walang duda sa sipag ng kaniyang nakakabatang kapatid.

Ibinunyag pa nito na hindi na kailangan na i-pressure ito para makapag-perform dahil alam niyang lubos ang pagmamahal niya sa basketball.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *