Korte Suprema inabisuhan ang mga pumasa sa 2018 Bar exams na hanggang June 10 na lang ang pagkuha ng kanilang clearance

Pinaalalahanan ng Korte Suprema ang mga pumasa sa 2018 Bar exams na kunin na ang kanilang clearance mula sa Office of the Bar Confidant para sa kanilang oathtaking sa June 13.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, mayroon hanggang June 10, Lunes ang mga nakapasa na kunin ang kanilang clearance mula sa OBC.

Inabisuhan din silang magdala ng tatlong valid IDs sa kanilang pagkuha ng clearance.

Pinaghahanda rin sila ng halagang 6,050 pesos para sa oath fees at IBP dues kabilang ang building fund.

Gaganapin ang June 13 oathtaking sa PICC.

Magsisimula naman ang paglagda nila sa Roll of Attorney sa June 14.

Kabuuang 1,800 law graduates ang pumasa sa pagsusulit na isinagawa sa apat na linggo ng Nobyembre ng nakaraang taon.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *