Kumuha ng 2019 Bar exams,umabot na lamang sa mahigit 7,000

Mula sa orihinal na 8,245 Bar candidates ay kabuuang 7,699 na lamang ang kumuha at nakatapos sa unang linggo ng Bar exams noong November 3.

Batay sa statistical data ng 2019 Bar exams na ipinalabas ng Office of the Bar confidant, absent o hindi sumipot sa  pagsusulit ang 545 Bar candidates.

Dahil dito, umabot na lang sa 7,700 ang kumuha ng Bar exams partikular sa political at public international law.

Pero nabawasan pa ang nasabing bilang pagdating sa Labor and Social Legislation na parte ng exams matapos na mag-drop out ang isang examinee kaya 7,699 Bar candidates ang nakakuha ng pagsusulit.

Sa darating na linggo, November 10 ay isasagawa ang ikalawang araw ng Bar exams kung saan Civil Law at Taxation Law naman ang ipagsusulit ng mga bar candidates.

Sa ikatlong araw ng bar exams sa November 17 ay Criminal law at Mercantile law ang kukuning pagsusulit habang sa huli at ikaapat na araw sa November 24 ay Remedial law at Legal and Judicial Ethics at practical exercises.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *