Labor Secretary Silvestro Bello III iniutos ang paglalabas ng 30M pesos para sa emergency employment ng mga apektadong kawani ng nasunog na NCCC mall

Ipinagutos ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagpapalabas ng 30 million pesos para sa emergency employement ng mahigit dalawang libong manggagawa ng nasunog na NCCC mall sa Davao City.

Ang nasabing halaga ay para sa tatlumpung araw na employment assistance sa mga naapektuhang manggagawa at kanilang dependents.

Kabilang sa pagkakalooban ng emergency employment ang mga kawani ng BPO firm na SSI, at empleyado ng mga mall tenants at service providers.

Tiniyak ni Bello ang zero displacement ng mga apektadong mall employees.

Kaugnay nito, bibigyan ng ECC ng 30 thousand pesos na burial assistance sa bawat pamilya ng 38 biktima kasama ang grocery items sa burol.

Makakatanggap din mula sa ECC ang pamilya ng mga nasawi ng survivorship pension na nagkakahalaga ng 3700 pesos kada buwan.

Bukod sa mga ito pagkakalooban din ng dagdag na 20thousand pesos ng dole regional office, Bureau of Working Conditions, Occupational Safety and Health Center At ECC ang bawat pamilya ng nasawi sa sunog.

Una nang tiniyak sa DOLE ng NCCC at SSI na di mawawalan ng trabaho at patuloy na tatanggap ng sahod ang kanilang apektadong kawani.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *