Kongreso at Malakañang pinagkukomento ng Korte Suprema sa petisyon na ipawalang-bisa ang one year extension ng batas militar sa Mindanao

In this photo taken 25 October 2006 shows the Philippine Supreme Court building in Manila. The High Court issued its decision against the "People Initiative" 25 October 2006 a move to change the Philippine presidential system to a uniccameral parliamentary government. The 15 supreme court judges voted 8-7 against the "People Initiative," to amend the 1987 constitution, dealing a blow to President Gloria Arroyo's economic agenda. AFP PHOTO ROMEO GACAD / AFP PHOTO / ROMEO GACAD

Inatasan ng Korte Suprema ang dalawang kapulungan ng Kongreso at ang Malakanyang na maghain ng komento sa petisyon na ipatigil at ipawalang-bisa ang isang taong extension ng batas militar sa Mindanao.

Ito ay batay sa dalawang-pahinang resolusyon ng supreme court en banc na may lagda ni clerk of court Atty Felipa Anama at may petsang December 29, 2017.

Binigyan ng sampung araw ng Supreme Court ang mga respondents para magsumite ng komento.

Kabilang sa mga pinagkukomento sina Senate President Koko Pimentel, House Speaker Pantaleon Alvarez, Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Budget Secretary Benjamin Diokno at AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero.

Binanggit sa resolusyon na tila may sapat na substansya at porma ang petisyon na inihain ng mga taga-oposisyon laban sa pagpapalawig ng martial law ng isang taon.

Ayon pa sa SC reso, marapat lang na pagkomentuhin ang mga respondents base na rin sa mga alegasyon, isyu at argumento na binanggit sa petisyon.

Nakasaad sa resolusyon na inotorisa ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang pagpapalabas ng nito alinsunod sa rekomendasyon ng member-in-charge.

Una nang hiniling sa Korte Suprema ng grupo nina Albay Representative Edcel Lagman na magpalabas ito ng TRO para ipahinto ang implementasyon ng extension ng martial law sa Mindanao at suspension ng writ of habeas corpus mula January 1, 2018 hanggang December 31, 2018 dahil sa kawalan ng sapat na factual basis.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *