Lalaki, arestado matapos magwala sa isang Karinderya sa Pasong Tamo, Q.C.

Nagkagulo at nagtakbuhan ang mga customer ng isang Karinderya sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City matapos maglabas ng itak ang isang lalaki.

Ang iba namang kalalakihan ay nagtayuan at pinatulungang bugbugin ang suspect.

Dahil dito, nawasak ang upuan at iba pang kagamitan sa karinderya at ilang computer sa loob ng tindahan

Rumesponde sa kaguluhan ang mga Barangay Tanod sa lugar at inaresto ang suspect na natuklasang kalalabas lamang ng bilangguan.

Bagamat itinanggi ng suspect na nagwala siya at iwinasiwas ang dala nitong itak, inamin naman niyang nakagamit siya ng shabu.

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *