Lalaki, patay matapos sumalpok ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Quezon City

Patay ang motorcycle rider matapos sumalpok sa pampasaherong jeepney sa may bahagi ng Quirino Highway, Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City kagabi.

Nakilala ang biktima na si Mark Anthony Oponiano at sugatan naman ang angkas nitong babae na si Cristine Joy Angeles na malubha ngayon ang kalagayan sa pagamutan.

Wasak, halos madurog at nagkalat pa ang iba’t-ibang bahagi ng motorsiklo na sinakyan ng mga biktima matapos ang pagsalpok.

 

Sa inisyal na imbestigasyon, nag-overtake ang jeep ng may bigla umanong sumulpot na motorsiklo na sinasakyan ng mga biktima na naging dahilan ng aksidente at tumilapon ang mga sakay ng motor.

Wasak ang gilid ng jeep sa may bandang driver seat at nasira din ang side mirror nito indikasyon na malakas ang impact ng pagkakasalpok nito.

Samantala nahahanap  sa kasong Reckless imprudence resulting to Physical injury and Homicide ang jeepney driver.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *