Lalaki sa China , nakaisip ng paraan para hindi mabasa sa baha ang kaniyang mga paa

 

Makikita sa isang larawan na kuha sa Guangzhou city, Guangdong province, ang isang lalaking naglalakad sa bahang kalsada pero hindi nababasa ang mga paa.

Itinali nya kasi ang kaniyang mga paa sa dalawang plastic stools, at ginamit itong parang sapatos na de takong.

Naging tampulan naman ng katatawanan ang naturang eksena.

Komento naman ng isang nakapanood sa video, lahat naman aniya sila ay dumaan sa siyam na taong compulsory education, bakit daw hindi nya naisip ang naisip ng nasabing lalaki.

 

==================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *