Lalaki sa Singapore na may cerebral palsy, nakalikha ng kaniyang sariling libro gamit lamang ang kaniyang paa

Pinatunayan ni Wesley Wee, 38 anyos na hindi hadlang ang kaniyang kalagayan at kapansanan para magpursigeng mabuhay.

Katunayan nakagawa si Wesley ng kaniyang sariling aklat na may titulong “finding happiness against the odds” na nakatakdang ilunsad sa Agosto 23, 2017.

Ang naturang libro ay isinulat ni Wesley sa loob ng limang taon gamit lamang ang hinlalaking daliri ng kaniyang paa.

Kinapapalooban ito ng talambuhay ni Wesley simula noong siya ay bata pa lamang hanggang sa kasalukuyan.

Ulat ni: Violy Escartin

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *