Limang minutong limitasyon sa pamimili sa palengke ipinatupad sa Aurora

Ipinatupad na ang limitadong oras ng pamamalengke sa bayan ng Maria Aurora, dahil sa lumalalang kaso ng COVID-19.

Ayon sa Executive Order na inilabas ni Punong Bayan Amado Geneta, limang minuto na lamang ang nakalaan sa mga mamamalengke sa Maria Aurora public wet market.

Ipinatupad ang naturang hakbang, upang malimitahan ang galaw ng mga tao para maiwasan na ma-exposed ng matagal ang mga mamimili sa kanilang makakasalamuha na posibleng mayroong dalang virus.

Ipinatupad na rin sa lugar ang one way entrance at exit, at isinara rin ang lahat ng lagusan na maaaring daanan ng mga taong mamimili.

Bantay sarado ito ng mga pulis, habang kada isang oras ang paalala na dapat sundin ang minimum health protocols, at pagpapanatili ng social distancing.

Ulat ni Pauline Marie Villamar

Please follow and like us: