Mga nagparehistro para sa 2022 Elections, umabot na sa halos 3 milyon

Umabot na sa mahigit 2.9 milyon ang naghain ng Voter Registration sa Commission on Elections.

Sa datos ng Comelec, ito ay mula ng muli nilang binuksan ang registration noong September 1 ng nakaraang taon.

Ang voter registration ay matatapos sa September 30 ng taong ito.

Nasa 4 na milyong bagong botante ang target ng Comelec para sa May 2022 National and Local Elections.

Ang voter registration ay mula Lunes hanggang Byernes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Patuloy naman ang paalala ng Comelec sa mga magpaparehistro na magsuot ng face mask at shield, at pairalin ang physical distancing.

Paalala pa ng Poll body, sa pagpunta sa tanggapan ng Comelec dapat ay may dala na ring printed copy ng Registration Form at makabubuti kung may dalang sariling ballpen.

Madz Moratillo

Please follow and like us: