Maayos na transition ng administrasyon ng Pasig City, hangad ni Mayor-elect Vico Sotto

Hangad ni Pasig City mayor-elect Vico Sotto na maging maayos ang transition ng outgoing patungo sa incoming administration ng lunsod.

Sa ngayon, abala ang bagong alkalde sa transition upang agad siyang makapagsimula sa kaniyang trabaho.

Isa sa inaasahang maipatutupad ng maayos ng bagong alkalde ay ang Freedom of Information ordinance na naipasa na dati.

Hangad ni Sotto na mag-move-on na ang lahat para sa ikabubuti ng lunsod.

Basta ngayon ang focus natin ay smooth transition, nire-review na natin lahat ng mga financial documents and contracts. At sa pagre-review natin ay hindi tayo naghahanap na mali sa dati. Panahon na para mag-move forward tayo kalimutan na ang mga tampuhan at isipin na lamang ang mas makabubuti para sa lunsod natin”.

voice of: Pasig City Mayor-elect Vico Sotto

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *