Magkasintahan, natagpuang patay sa Cavite

 

Natagpuang patay  ang isang lalaki at isang babae sa baybayin ng Barangay Julugan Sais, sa Tanza, Cavite.

Kinilala ang mga nasawi na sina Christian Ramos, 20 taong gulang, at kanyang kasintahang si Duran Cristobal, 18 taong gulang.

Hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng dalawa.

Ngunit hinala ng mga residente, posibleng kinapitan ang mga ito ng dikya.

Hindi naman isinasantabi ng mga otoridad ang posibilidad na nalunod ang mga ito.

 

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *