Mahigit 1,000 job vacancies sa Israel, bukas para sa mga Pinoy

Mahigit isanlibong (1,000)  job vacancies ang binuksan ng Israel para sa mga Filipino.

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernand Olalia, ang mga job opening ay para sa kanilang mga five-star hotel na nasa mga tourist destinations.

Ang mga interesadong mag-apply ay maaaring magparegister online sa kanilang website na: www.poea.gov.ph at makikita ang E-Registration at hanapin lamang ang Israel portal.

Nilinaw ni Olalia na hindi na kailangan pang magtungo ng personal sa POEA kundi sa mag-register lamang thru online.

Nilinaw ni Olalia na hindi nirerequire kung may working experience sa isang hotel at wala ring maximum age requirement basta sumapit sa edad na 25 pataas at kayang magtrabaho bilang hotel keeper.

At dahil Government to Government ang magiging proseso, hindi na kailangang dumaan sa mga private recruitment agencies o mga ahente, tanging ang POEA lamang ang otorisadong magrecruit para sa mga Israel hotel housekeepers.

Aabot aniya sa 1,500 US dollars ang magiging monthly gross payment o buwanag suweldo ng isang hotel keeper maliban pa dito ang mga overtime pay.

Ang mga requirement naman sa online registration ay: Tesda certificate, pangalan, edad na dapat nasa 25 years old, kailangan din ang UMID SSS ID. At kapag kayo ay natanggap ay maghintay lamang para sa petsa ng interview sa pamamagitan ng notice na ipadadala ng POEA”.

POEA Administrator Bernard Olalia

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *