Mahigit 50 bata masayang nakilahok sa Mobile Kitchen and Storytelling Event ng Taguig City

Courtesy: Taguig PIO
Pinangunahan ng Taguig City Nutrition Office, City Social Welfare and Development Office, at City Library Office, ang Taguig Mobile Kitchen and Storytelling Event.
Sa temang “Malusog na Katawan para sa Masiglang Kaisipan,” sabay-sabay na isinagawa sa Brgy. Cembo, Brgy. Post Proper Northside, Brgy. North Daang Hari at Brgy. Upper Bicutan ang nasabing event, na naglalayong hikayatin ang mga bata na magkaroon ng pagmamahal sa pagbabasa habang tinitiyak na natatanggap nila ang tamang nutrisyon.

Courtesy: Taguig PIO
Sinimulan ang aktibidad sa pagkukuwento upang mahasa ang pagkamalikhain, kritikal na pag-iisip, at kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa ng mga bata, habang ipinaalala sa mga magulang ang kahalagahan ng paghahanda ng balanseng pagkain upang suportahan ang pag-unlad ng pag-iisip at pisikal ng kanilang mga anak.
Mula sa bawat barangay, mahigit 50 bata, kasama ang kanilang mga magulang, ang aktibong nakilahok.

Courtesy: Taguig PIO
Sa Brgy. Cembo, si G. Neil Cabaces , isang lisensiyadong nutritionist-dietitian, ay nagpakilala ng konseptong “Pinggang Pinoy” na nagbigay-diin sa pangangailangan para sa Go, Grow, at Glow food sa pang-araw-araw na pagkain.
Ang aktibidad ay nagsilbi rin bilang isang plataporma upang turuan ang mga ina sa matalinong pagpili ng pagkain, pagtataguyod ng malusog na gawi sa pagkain sa kanilang mga sambahayan, at pag-iwas sa mga sakit na nauugnay sa diyeta tulad ng malnutrisyon, diabetes, at hypertension.

Courtesy: Taguig PIO
Pinangunahan naman ng mga daycare teacher na sina Marilou Factor at Ana Balabat ang isang storytelling session na nagtatampok sa “Si Monica Dalos Dalos” ni L.E. Antonio at P.T. Martin, na tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang masipag ngunit padalos-dalos na pulang manok sa isang bukid.
Tinuturuan nito ang mga bata na maging maingat sa kanilang mga aksyon.

Courtesy: Taguig PIO
Pagkatapos ng storytelling session ay na sopas at mansanas. . Bukod sa masustansyang pagkain, namahagi rin ng mga aklat mula sa City Library Office upang hikayatin ang mga kabataang mag-aaral na maging palabasa.
Archie Amado