Record 2024 temperatures, nagpabilis sa pagkatunaw ng yelo at pagtaas ng sea levels – UN weather body

0
Record 2024 temperatures, nagpabilis sa pagkatunaw ng yelo at pagtaas ng sea levels – UN weather body

An iceberg floats around ice near Nuuk, Greenland, February 9, 2025. REUTERS/Sarah Meyssonnier/File photo

Dahil sa mataas na greenhouse gas levels kaya umabot sa all-time high ang temperatura noong 2024, na nagpabilis din sa pagkawala o pagkatunaw ng glacier at sea ice, at nagpataas sa lebel ng tubig sa dagat.

Ayon sa annual climate report ng U.N. weather body na World Meteorological Organization (WMO), ang annual average mean temperatures ay 1.55 degrees Celsius (2.79 Fahrenheit) above pre-industrial levels noong 2024, mas mataas ng 0.1C sa naunang record noong 2023.

Nagkasundo ang mga bansa sa 2015 Paris Agreement na sikaping limitahan ang pagtaas ng temperatura sa loob ng 1.5C sa ibabaw ng 1850-1900 average.

An aerial view shows an iceberg floating in front of Sermitsiaq Island near Nuuk, Greenland, February 9, 2025. REUTERS/Sarah Meyssonnier/File photo

Sa mga paunang pagtaya, ang kasalukuyang long-term average increase ay nasa pagitan ng 1.34-1.41C, medyo malapit na ngunit hindi pa naman lumalampas sa Paris threshold, ayon sa WMO.

Sinabi ni John Kennedy, scientific coordinator ng WMO at lead author ng report, “One thing to point out very clearly is that one single year above 1.5 degrees doesn’t mean that the level mentioned in the Paris agreement had been formally exceeded. But uncertainty ranges in the data mean that it cannot be ruled out.”

Ayon sa report, ang iba pang salik ay maaaring naging dahilan din ng pagtaas ng global temperature noong 2024, gaya ng pagbabago sa solar cycle, malakas na pagsabog ng bulkan at pagkaunti ng cooling aerosols.

Habang ang maliit na bilang ng mga rehiyon ay nakaranas ng pagbagsak ng temperatura, ang “extreme weather” ay nagdulot naman ng hindi magagandang karanasan sa magkabilang panig ng mundo, kung saan ang mga tagtuyot ay nagdulot ng kakulangan sa pagkain, at ang mga pagbaha at wildfires ay naging sanhi ng forced displacements ng walongdaang libong katao, ang pinakamataas simula nang umpisahan ang pagtatala noong 2008.

Smoke rises as fire burns, following the spread of wildfires near Lautaro, Chile February 9, 2025 REUTERS/Hector Andrade/File Photo

Ang init sa karagatan ay umabot sa pinakamataas na naitala at ang pag-init ay nadaragdagan pa, kung saan ang pagtaas sa CO2 concentrations sa mga karagatan ay nagpapataas din sa acidification levels nito.

Lumitaw din sa data ng WMO, na ang glaciers at sea ice ay patuloy na mabilis na natutunaw, na sanhi naman ng mabilis na pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat.

Mula 2015 hanggang 2024, ang sea levels ay tumas ng average na 4.7 millimeters kada isang taon, kumpara sa 2.1 mm mula 1993 hanggang 2002.

Nagbabala rin si Kennedy sa pangmatagalang implikasyon ng pagkaunaw ng yelo sa Arctic at Antarctic regions.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *