Mahigit 6 na libong bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa

Umabot na sa 47,996 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 6,560 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 5,364 naitalang bagong gumaling.

May 32 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kayat umabot na sa 26,874 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,524,449 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,449,579 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: