Tambalang Lacson at Sotto, kumpirmado nang sasabak sa eleksyon

Tuloy na ang pagtakbo nina Senator Ping Lacson at Senate President Vicente Sotto III sa eleksyon sa May 2022.

Sinabi ni Lacson na nagdesisyon na si Sotto na ituloy na ang pagsabak sa halalan matapos ang ginawang konsultasyon sa Luzon region.

Si Lacson ang tatakbong pangulo habang runningmate niya si Sotto.

Pero hindi pa malinaw kung si Lacson ay tatakbo sa partido ni Sotto na Nationalist Peoples Coalition.

Sa pinaka huling survey ng pulse Asia, 4 percent ang nagsabing iboboto si Lacson bilang pangulo habang 10 percent ang pabor kay Sotto.

Meanne Corvera

Please follow and like us: