Malakanyang binati ang mga nanalo sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections

Nagpaabot ng pagbati ang Malakanyang sa lahat ng mga nanalo sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na naging payapa ang idinaos na halalan sa bansa.

 Ayon kay Roque ang idinaos na halalan ang kauna-unahan sa ilalim ng Duterte administration.

Inihayag ni Roque ang pagdaraos ng halalan ay kahayagan ng buhay na buhay ang demokrasya sa bansa.

Umaasa naman ang Malakanyang na makakatulong sa nation building ang mga bagong halal na opisyal ng Barangay.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *