Malakanyang, bukas sa anumang imbestigasyon sa Oust Duterte plot matrix

Handang harapin ng Malakanyang ang anomang ikakasang inbestigasyon sa Oust Duterte plot matrix na inilabas mismo ng Palasyo.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na mas mabuting inbestigahan ang Oust Duterte plot matrix para mapatunayan ang talagang kaugnayan ng mga personalidad na nasa likod ng planong ibagsak si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Andanar bago ilabas ng Office of the President ang Oust Duterte plot matrix ito ay dumaan na sa validation.

Batay sa Oust Duterte plot matrix sangkot dito ang ilang media organization at personalities, grupo ng mga abogado at ilang militanteng mambabatas.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *