Malakanyang dumistansya sa banat ni Senador Panfilo Lacson na walang kabusugan sa pera ang mga Kongresista

Ayaw mangialam pa ng Malakanyang sa panibagong banat ni Senandor Panfilo Lacson laban sa mga kongresista.

Sa kanyang twitter page sinabi Lacson na inamin niyang isang vendetta o higanti sa mga Kongresista ang pag-atake niya sa sinasabing pork funds sa 2019 National Budget.

Tinawag din ni Lacson ang mga kongresista na mga ganid at walang kabusugan sa pera ng mamamayang Filipino.

Dumistansya naman ang Malakanyang sa palitan ng akusasyon ng mga mambabatas.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo nirerespeto ng Malacañang ang opinyon ni Lacson at sinabing dapat ang mga Kongresista na lang ang sumagot.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *