Malakanyang, hands-off sa magiging House speaker ng 18th Congress

Hindi umano makikialam ang Malakanyang kung sino ang mahahalal na bagong Speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagbubukas ng 18th Congress.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi ugali ni Pangulong Rodrigo Duterte na panghimasukan ang aktibidad ng kongreso.

Ayon kay Panelo kahit sino ang maging House Speaker ay handa ang Malakanyang na makatrabaho ito lalo na sa mga legislative agenda ng administrasyon.

Batay sa report matunog ang Pangalan nina congressmen elect Alan Peter Cayetano, Martin Romualdez, Lourd Velasco at dating Speaker Pantaleon Alvarez.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *