Malakanyang ikinagalak ang record-high na net satisfaction rating ng mga gabinete

Ikinatuwa ng Malakanyang ang mataas na net satisfaction rating na nakuha ng mga gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo labis silang nagagalak lalo na’t ito ang kauna-unahang nakakuha ng very good rating ang mga cabinet members ng Pangulo.

Batay sa na SWS survey mula “good” na +44 noong Marso ay sumipa ito papuntang “very good” nitong Hunyo sa +51.

Ayon kay Panelo patunay umano ang naturang survey sa sentimyento ng mga Pilipino na naniniwalang kumikilos ang kasalukuyang gobyerno para sa kapakanan ng taumbayan.

Kasabay ng pagbati sa kanyang mga kapwa cabinet members umaasa naman si Panelo na mas pag-iibayuhan pa nito ang trabaho upang magkaroon ng pagbabago sa bansa batay na rin sa mandato ni Pangulong Duterte.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *