Malakanyang, kinumpirmang galing sa Office of the President ang matrix ng Ousts Duterte plot

Kinumpirma ng Malakanyang na may hawak si Pangulong Rodrigo Duterte ng Matrix ng Ousts Duterte plot na kinasasangkutan ng mga personalidad na ilan sa mga ito ay miyembro ng media.

Sa breifing sa Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi niya alam kung saan nakuha ng Manila Times ang kopya ng Ousts Duterte Matrix.

Ayon kay Panelo mula sa intelligence information na galing sa ibang bansa ang mga personalidad na nasa Matrix.

Hindi naman tinukoy ni Panelo kung anong bansa ang nagbigay ng intelligence information sa Pangulo kaugnay ng ousts Duterte plot.

Inihayag ni Panelo na hindi na nasorpresa ang Malakanyang sa mga personalidad na nasa likod ng oust Duterte matrix dahil ito rin ang mga grupong patuloy na naninira sa Pangulo.

Niliwanag ni Panelo na hanggat walang actual execution ng ousts Duterte plot ay hindi  umano kikilos ang pamahalaan para kasuhan ang mga personalidad na nasa likod ng ousts Duterte matrix.

Tiniyak naman ni Panelo na nakatutok ang mga otoridad sa alinmang grupo o personalidad na nagbabalak ibagsak ang gobyerno.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *