Malakanyang nagpahatid ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating DENR Secretary Gina Lopez

Mabigat ang kalooban ng Malakanyang sa balitang pagpanaw ni dating DENR Secretary Gina Lopez kasabay  ang pakikiramay ng Palasyo sa mga naulilang mahal sa buhay, mga kaibigan at mga kaanak ni Lopez.

Sa inilabas na pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sinabi nitong labis ang pagdadalamhati ng Malakanyang sa pagpanaw ng pinaka passionate na miembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang adbokasiya para sa kalikasan ay hindi kailanman mapapantayan ninuman.

Ayon kay Panelo natatangi aniya si Secretary Lopez na hindi natinag at natakot na harapin ang mga makapangyaring interes sa sektor ng pagmimina at malalaking industriya na nagdudulot ng masamang epekto sa kalikasan ng bansa. Inihayag ni panelo tiyak na mamimiss ng sambayanan si Secretary Lopez.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *