Malakanyang nagpaliwanag sa hindi pagsipot sa public engagement kahapon ni Pangulong Duterte

 

Muling pinabulaanan ng Malakanyang ang ipinakakalat na balita ng oposisyon na may malubhang karamdaman si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi ito nakasipot sa kanyang public engagement sa Malakanyang kahapon.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na minabuti ng Pangulo na magpahinga at hindi siputin ang kanyang schedule na tanggapin ang remittance sa kita ng Pagcor sa malakanyang at kinatawan na lamang siya ni Executive secretary Salvador Medialdea.

Ayon kay Roque sa nakalipas na mga araw ay abala sa pag-iikot sa probinsiya kaya napagod.

Inihayag ni Roque walang sakit ang Pangulo taliwas sa ipinakakalat ng oposisyon.

Ngayong hapon ay pangungunahan ng Pangulo ang Joint Command Conference ng AFP at PNP at dinner meeting sa PMA alumni association sa palasyo ng Malakanyang.

 

 Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *